|
Matapos ang ilang bulilyaso at mga hindi inaasahang problema, narito ulit ako upang pasayahin na naman ang aking sarili ng mga artikulo ukol sa mga bagay at isyung nakakaapekto ng malaki sa buhay ko. Ang saya ko noh! Naiintindihin ko naman ang estado ng aking blog: mahina bumenta. Kung ikukumpara sa ilang blogs na matagal ng namamayagpag sa cyberspace, malaki ang ipinagkaiba na aking munting proyekto. Salat man sa graphical features at digital treatment, alam ko na mas mahalaga at matimbang pa rin kung ano ang nilalaman nito. Content-wise...Pero sa maniwala ka't sa hindi, parang kulang din sa substance ang mga blogs ko! Kawawa naman ako. Matanong ninyo: Ano ang nangyari sa akin sa loob ng mahabang panahong pamamahinga sa web blogging? Matapos kong matapos ang 200 hours OJT sa CHED (naikuwento ko na ang OJT stint ko sa previous blog), maraming bagay ang namutawi sa aking isipan, mga bagay na lalo lamang nagpabigat sa aking nararamdaman. Ganito kasi iyon...(storytelling mode ang lolo) Am...Hmmmhh.. Paano ko ba sisimulan? May mga bagay kasi sa aking pagkatao ang hindi ko pa kayang ibunyag. Hindi ko pa maaaring sabihin ang mga ito dahil hindi pa ako handa. O, bibitinin ko muna ang sarili ko tutal ako lang naman ang nagbabasa nitong blog na ito. Kulang pa aking lakas ng loob at tibay ng dibdib upang i-share sa inyo kung ano man iyon. Naku, kung may makakabasa nito ay nag-resort sya sa napakaraming contexts.. Masayang malungkot. Ang labo. Masaya dahil nakabalik na ako sa lugar kung saan natutunan ko ang laro ng buhay. Marami akong naging kaibigan at konektado na rin ako sa mga malalaking pangalan sa lipunang kinasasadlakan ko ngayon. Ma-impluwensiya na rin sa wakas ang lolo niyo. Maraming nagbago sa aking ugali at asal, mas lalo pa akong namulat sa "stark reality of life". Independent ako. Kaya naman, maraming prognosis sa akin na:"Ang batang ito, alam kong malayo ang mararating". Astig. Malungkot nga rin pala ako dahil nilisan ko ang lugar na nagpatibok ng aking puso. Taga-Maynila po ako kung hindi niyo maitatanong. Naninirahan ako sa kasalukuyang sa Tacurong, Sultan Kudarat. Laban ka? Anyway, talagang malungkot dahil sa bukod sa pag-alis ko ay iniwan ko ang siyang nagpatibok ng aking puso. Masyado na bang madrama? Oh sige ihihinto ko na. Naalala ko tuloy yung nabasa kong feature article sa The Scholastican. Yun yung Memories of Sinigang. Sa tuwing makikita o maririnig o maamoy ko ang putaheng iyon, mistulang ringing tone ng cellphone na bigla ko na lang maaalala ang lahat. Mga karanasan ko ng musmos pa ako..
|
| Leave a Comment: |