Entry: Election syndrome, Cebu and Cubao May 14, 2004



Please spare us of yet another inept would-be leader

I am writing this in the hope that my readers and fellow Filipinos for that matter had exercised their ultimate responsibility of choosing the most qualified of all aspirants in the executive and legislative race. This would mean another “milestone” in the history of the country if ever we would be electing another Erap-like (no doubt and reservations about it!) political neophyte that would rule the country that is in its most destitute and fragile condition. The world will have to laugh at us again for being way too heedless of our past mistakes and forgetful of our “what went before” experiences with an executive humbug.

Hey, that’s it. Election campaigns and election proper are over. We are now at the helm cautiously waiting for the official results of the elections. Crossing our fingers, we are perhaps praying to all gods and wishing to all fairies out there that the elected officials are the best ones, possessing desirable and ethical professional and personality traits. All are infected by the malady of the post-election event and all are suffering the “counting syndrome.”

As of presstime, FPJ is leading “by leaps and bounds”. Naku po!


Of Ngohiong and MRT

Isa sa mga matatamis kong sojourns sa Cebu bukod sa paglilibot at pagliliwaliw sa mga tindahan, malls, at pati na rin ang picket namin kung saan kami’y naglakad mula Rotonda hanggang Colon, hinding hindi ko malilimutan ang kauna-unahang pagkakataong matikman ang isa sa mga ipinagmamalaking delicacy ng Cebu: Ngohiong.

Ano ang meron sa pagkaing ito? Bukod sa napakamurang halaga nito (P4 lamang po ito), ang kabusugang dulot nito ay hindi matatawaran. Kung ako ang kukunan ng opinyon tungkol sa pagkaing ito, sa totoo lang, hindi ako nasarapan.

Sa aking paglingon-lingon, kapansin-pansin na pati ang mga “may kaya” o mayayaman ay nahuhumaling dito. Kung iisipin, sa napakamurang halaga nito, kaduda-duda ang “nutritional values” na taglay nito. Ang mga sangkap: ayon sa aking narinig (hindi rin kasi ako nagtanung-tanong tungkol sa sangkap ng pagkaing ito), ito’y may mga sangkap na gulay na binalot sa ‘lumpia wrapper’, binabad sa arina at prinito sa umaapaw na mantika. Kasama ng ‘puso’ (kanin na binalot sa dahon ng saging na nagkakahalaga ng P2) kumpleto na ang iyong pananghalian. Sa hirap nga naman ng buhay ngayon, walang alinlangang ito ang bukod tanging solusyon sa naghihikaos na bulsa.

Mamamasdan mula sa MRT ang mga nagtataasang landmarks, bank offices, condominiums, etc. sa Makati pati na rin ng sa Roxas Boulevard. Ito’y kamangha-mangha tanawin para sa mga first-timers. Ngunit kaakibat ng mga naglalakihang gusaling ito ay kalunus-lunos na tanawin ng mga dikit-dikit at sira-sirang barong-barong na makikita katabi ng mga gusaling ito. Sa kabila ng lahat ng ito, Isa lang ang aking masasabi: masarap sumakay sa MRT.


Scenarios along Cubao sidewalks

Ako’y kasalukuyang pumapasok bilang apprentice o on-the-job-trainee sa CHED Region IVA Office sa Cubao. Ito’y kinakailangan kong gugulin sa loob ng 200 oras na paninilbihan sa mga empleyado, superbisor at direktor ng naturang opisina. Mula Project 8 sa QC, sasakay ako ng bus at bababa ng Cubao. At dito, tinatahak ko ang kahabaan ng mga sidewalks sa Cubao upang makarating sa aking opisina sa loob ng 15 minuto.

Ang karanasang ito ay nagbibigay sa aking ng kakaibang tuwa dahil pakiramdam ko, ako’y isang full-fledged yuppie na. Nakasuot ng magarang polo, slacks at leather shoes bitbit ang aking bag na naglalaman ng aking toothbrush, bimpo, isang libro, diyaryo at baong pagkain para sa pananghalian. Kasabayan ko rin ang libu-libong taong nagtatrabaho rin sa Aranteta Center.

Ah, yung malaking poster ng U-belt, yung pelikulang may temang sexy, patok na patok dahil katabi nito ang malaking poster ni GMA. Yung footbridge, astig sa kulay: pink at blue. Yung mamang MMDA, ang aga-aga hindi maayos ang simpleng traffic trouble, hindi pa yata nakakapag-agahan. Ang mas malupit: mga tindero ng pirated na vcd’s, dvds, audio cd at siyempre mga x-rated na vcds. Kunwari titingin sa vcd ng Van Helsing, sa x-rated vcd rin pala ang bagsak.

   1 comments

Ivailo
August 26, 2005   12:00 AM PDT
 
Your blog is realy very interesting. http://www.g888.com

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments