|
SA loob ng tatlong linggo, maraming mga pangyayari, tagumpay, kalungkutan, kasiyahan, pagbabalik-loob at pagpapatawad (oh sige dagdagan ko pa for more), pagpapakasakit, paghihinakitan ng mga kalooban. For one, these are but superficial factor of life. No one could ever escape these. Pero siyempre, natutununan nating harapin ang mga ito at gumawa ng mga kaukulang aksyon para dito. Nagpunta pala ako ng Cebu. Pero kulang ang oras ko upang ikuwento lahat ang mga pangyayari. Nag-attend ako ng national congress sa cebu. Naks pang national na ako. Siyempre, educational convention pa rin naman iyon. Bukod sa inaasahang babaha ng mga "hello, taga-saan ka? may number ka ba? May friendster account ka ba?", naging tampok ang mga mahahalagang isyu na dapat lamang tutukan ng mga kabataang tulad ko. Ako'y 21 anyos at nahahanay pa ako sa youth sector. Period. Masyado patriotiko ang mga tao doon at demokratiko. Lahat siguro ng mga bagay, tao o isyung may layuning supilin ang demokratikong karapatang ito ay tinalakay. Hindi nga ako maka-relate nung una. Para ano pa, ano bang magagawa ko upang baguhin itong lahat? Mayroon ba akong maaambag upang ang Pilipinas ay magbago? Oh sige muna po, bibitinin ko muna kayo dahil may gagawin pang mas mahalaga ang lolo niyo. Saka ko na lang i-churva lahat2x. |